Kinumpirma ng kampo ni Atong Ang na inilabas na ng korte ang ikatlong ‘warrant of arrest’ ukol sa kaso nitong kinakaharap may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero.
Ayon kay Atty. Gabriel Villareal, abogado ni Atong Ang, nag-isyu na ng warrant ang Regional Trial Court ng San Pablo, Laguna laban sa negosyante.
Partikular na ‘Kidnapping and Serious Illegal Detention’ ang kaso kung saan nag-isyu ng kautusan ang korte para mapaaresto ang puganteng si Ang.
Kung maalala ipinagpaliban muna ng San Pablo, Laguna Regional Trial Court ang pag-iisyu ng ‘warrant of arrest’ laban sa negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang kamakailan.
Ito’y bunsod nang maghain ang kampo ng akusado ng ‘motion to suspend proceedings’ sa korte kontra para agaran maglabas ng warrant sa kaso.
Ito na ang ikatlong warrant na inilabas ng korte kasunod nang mag-isyu rin ang iba tulad ng Regional Trial Courts ng Sta. Cruz, Laguna at Lipa City sa Batangas.















