-- Advertisements --

Binigyang-diin ni dating Integrated Bar of the Philippines president, Atty. Domingo Cayosa na hindi dapat dinidismiss ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte sa pamamagitan lamang ng consensus o majority decision.

Kung babalikan noong June 25 ay sinabi ni Senate President Chiz Escudero sa isang press briefing na maaaring I-dismiss ang impeachment case sa pamamagitan lamang ng majority vote ng mga senator-judge.

Katwiran naman ni Cayosa, hindi mahalaga kung posible o akma ba itong gawin ang mahalaga aniya ay magpatuloy ang kaso at mapakinggan ng mga senator-judge ang katwiran ng dalawang panig.

Tanong ng batikang abogado, kailan pa pinili ng isang judge na idismiss ang isang kaso sa halip na pakinggan ang dalawang panig? Posible man aniyang gawin ito, ngunit sa huli, hindi ito tama at tugma.

Nanindigan din ang abogado na ang pag-dismiss sa kaso ng pangalawang pangulo batay lamang sa technicality at magsisilbing ‘shortcut’ sa proceedings nang hindi man lamang ikinukunsidera ang mga merit ng kaso. Ito aniya ay nagpapahina lamang sa konsepto ng impartiality at accountability sa impeachement process.