-- Advertisements --

Pormal nang kinilala ng Russia ang Taliban bilang bangong opisyal na gobyerno ng Afghanistan.

Ang Russia ang kanuna-unahang bansa na kumilala sa Taliban government mula nang ito’y umupo sa kapangyarihan noong Agosto 2021.

Sa isang pahayag sinabi ng Russian Foreign Ministry na nakikita ng Moscow ang magandang oportunidad para sa nalalapit nilang ugnayan, lalo na sa larangan ng seguridad, pagkontra sa terorismo, at pagsugpo sa illegal na droga.

Inilahad din ng Russia ang interes nito sa kalakalan at ekonomiya, kabilang ang enerhiya, transportasyon, agrikultura, at imprastraktura ng Afghanistan.

‘We believe that the act of official recognition of the government of the Islamic Emirate of Afghanistan will give impetus to the development of productive bilateral cooperation between our countries in various fields,’ pahayag ng Russian Foreign Ministry.

Nagpasalamat naman si Afghan Foreign Minister Amir Khan Muttaqi sa Moscow at sinabi nitong ang pagkilala sa kanila ng Russia ay maaaring maging halimbawa para sa ibang mga bansa.

Bagama’t wala pang ibang bansa ang pormal na kumikilala sa Taliban, ilang bansa naman tulad ng China, UAE, Uzbekistan, at Pakistan, ang nagtalaga ng kanilang ambassador sa Kabul.

Maalalang idineklara ng Russia na “teroristang grupo” ang Taliban noong 2003, inalis nito ang ban noong Abril 2025. Mula pa noong 2022, nag-aangkat na ang Afghanistan ng gas, langis, at wheat mula sa Russia.