-- Advertisements --

Pinakawalan ng Taliban sa Afghanistan ang mag-asawang Briton na kanilang ikinulong ng hindi pa malaman na kaso sa loob ng halos walong buwan.

Ang 80-anyos na si Peter Reynolds at asawang 76-anyos na si Barbara ay ipinasakamay sa special representative ng United Kingdom matapos ang isinagawang pagdinig sa korte.

Ayon kay Foreign Ministry spokesman Abdul Qahar Balkhi na ang mag-asawa ay inaresto noong Pebrero dahil umano sa paglabag sa batas ng Afghan subalit hindi na nito binigyang linaw kung ano ang batas.

Pinasalamatan naman ni British Prime Minister Keir Starmer ang mga bansang namagitan at naging mediator para mapalaya ang mag-asawa.

Mula sa Afghanistan ay dumiretso muna sila sa Qatar bago lilipad patungong London ang mag-asawa.