Rain or Shine Elasto Painters
RoS Painters/ PBA image

Pasok na ang Rain or Shine Elasto Painters sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup matapos talunin ang Blackwater 85-83.

Bumida sa panalo ng Rain or Shine si Rey Nambatac na nagtala ng 21 points.

Nag-ambag naman ng 15 points si Javee Mocon habang ang kanilang import na si Carl Montgomery ay mayroong 14 points at 10 naman kay Beau Belga.

Lamang pa ang Blackwater ng walong puntos sa fourth quarter hanggang nahabol ito ng Rain or Shine sa pamamagitan ni Nambatac.

Nasayang naman ang nagawang 16 points nina Bac Belo at Ray Parks at 15 points, 18 rebounds ni Greg Smith para madala ang Blackwater.

Magsisimula sa araw ng Sabado ang game one ng best of five semifinals ng Rain or Shine kontra San Miguel Beermen.