Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Quezon City Government matapos na mabagsakan ng isang bahagi ng gusali ang tatlong Grade 7 na estudyante.
Ayon kay Atty. Carlo Austria, ang legal officer ng lungsod, na mayroon silang nakitang pagkukulang noong nagsagawa sila ng inspeksyon.
Kanilang titignan kung sino ang dapat managot ang developer ng gusali, unit tenant o ang antenna installer.
Dagdag pa nito na hindi naging maganda ang lagay ng palitada ng gusali lalo na yung kinalalagyan ng antenna na siyang nagpahina sa integridad ng gusali.
Noong Marso ay kanilan na itong nainspeksyon at wala naman silang nakitang anumang pagalabag.
Hinikayat nito ang pamilya ng mga biktima na maghain ng reklamo laban sa may-ari ng gusali.
Magugunitang naglalakad ang mga mag-aaral sa lugar ng biglang nahulugan sila ng isang bahagi ng gusali.
Dinala ang mga ito sa pagamutan matapos magtamo ng mga matinding pinsala sa katawan.