Pinirmahan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ordinansa na hindi pagpapabayad sa mga surcharges, penalties at interest ng sa mga late o non-payment ng mga business taxes mula second hanggang fourth quarter ng 2020.

Nakasaad din sa Ordinance SP-2982 na ang mga business owners na nakapagbayad na ng mga surcharges at interest sa kanilang delayed payment ng second at third quarters ay mabibigyan ng tax credit.

Sinabi ng alkalde na kinikilala nila ang hirap ng mga negosyante dahil sa naranasang pandemya.

Isa rin aniyang paraan ang ordinansa para hindi mapilitang magsara ang mga negosyante.