-- Advertisements --
Itinuturing ni Education Secretary Sonny Angara. na walang naging aberya ang pagbubukas ng 2025-2026 school year.
Nagsagawa pa ang kalihim ng inspection sa Epifanio delos Santos Elementary School sa Maynila.
Ilan lamang sa ikinabahala nito ang nangyaring pagkakasunog sa gusali ng San Francisco High School sa Barangay Santo Cristo, Quezon City nitong Linggo.
Tiniyak naman nito na gumagawa na ng paraan ang Department of Education para matulungan ang mga mag-aaral na naapektuhan ng sunog.
Mayroong 197 na araw ng pasukan at ito ay magtatapos ng hanggang Marso 31, 2026.