-- Advertisements --

Naglabas ng abiso ang mga lokal na pamahalaan at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Sabado ng gabi ukol sa kasalukuyang kondisyon ng mga lansangan sa Metro Manila bunsod ng matinding pag-ulan.

Narito ang mga naitalang baha sa ilang pangunahing lugar:

Quezon City

– EDSA NB pagkatapos ng Quezon Ave flyover: Bahagyang lubog (half gutter deep); Maaaring daanan ng lahat ng uri ng sasakyan.

– Quezon Ave. Biak na Bato (EB/WB): Hanggang baywang; Hindi maaaring daanan ng magagaan na sasakyan.

– EDSA NB, Balintawak: Abot-gutter lang; Maaaring daanan.

– G. Araneta Ave. Karilaya (SB/NB): Hanggang tuhod; Hindi ligtas sa magagaan na sasakyan.
– Sto. Domingo Ave. – Atok St. (magkabilang direksyon): Hanggang baywang; Hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan.

Caloocan City

C3 NLEX Connector Intersection: Hanggang tuhod; Hindi ligtas sa magagaan na sasakyan.

City of Manila

– España Lacson hanggang Vicente Cruz (EB/WB): Hanggang tuhod; Hindi ligtas sa magagaan na sasakyan.

– España Blvd kanto Antipolo St.: Abot-gulong (26 inches); Hindi madaanan ng anumang sasakyan.

Malabon City

– M.H. del Pilar, Brgy. Tinajeros at Gov. Pascual Ave, Brgy. Acacia: Abot-gutter; Maaaring daanan.

Valenzuela City

McArthur Highway malapit sa Fatima University: Hanggang bukong-bukong; Maaaring daanan.

Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang mga lugar na may matinding pagbaha at magdoble-ingat sa biyahe.