-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator ng pampasaherong sasakyan na sundin ang itinakdang dami ng pasaherong pinapahintulutan sa kanilang mga sasakyan.

Maaari silang pagmultahin o patawan ng parusa kung mahuli na sumosobra sa tamang bilang ng pasahero bawat public utility vehicle.

Binigyang-diin ng LTFRB ang utos ni Transportation Secretary Vince Dizon laban sa “anti-sardinas” o ang pagsisiksikan ng mga pasahero na parang nasa lata ng sardinas.

Hinimok ng ahensya ang mga operators na mahigpit na sundin at ipatupad ang tamang kapasidad ng pasahero alinsunod sa umiiral na mga polisiya ng Board at ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa LTFRB, ang mga lalabag ay pagmumultahin at papatawan ng kaukulang parusa.