-- Advertisements --

Aabot na sa 83 percent ng tapos ang Metro Rail Transit-7 at kayang maabot ang partial na operasyon nito sa unang bahagi ng 2027.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizo, na kaniyang nasaksihan ang pre-commissioning test runs sa mga trens.

Ang mga stations rin aniya ay halos 100 porsyentong tapos na at nakatakdang lagyan ng mga escalator at elevators.

Kumpiyansa ang kalihim na ang unang 12 stations ng MRT-7 mula North EDSA at sa Sacred Heart sa Quezon City ay maaaring mabuksan sa publiko ng 2027.

Magugunitang umabot sa mahigit 15 taon bago simulan ang proyekto dahil sa problema sa mga dokumento at mga right of way.