-- Advertisements --
Ipinasara ng Quezon City government ang isang hotel dahil sa paglabag.
Personal kinandado ng mga kasapi ng QC Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang MC Hotel sa Novalichees proper dahil sa paglabag sa City Ordinance na nagpapapasok at nagpapainom ng mga menor de edad.
Base sa ulat ng Social Services Development Department (SSDD) at Philippine National Police (PNP) na pinayagan ng pamunuan ng hotel na pumasok ang mga nasa 20 menor de edad.
Binentahan din at hinayaan ang mga ito na uminom ng mga nakakalasing na inumin.
Ni-rescue ng SSDD ang mga menor de edad na sangkot.