Nagdalamhati ang Qatar Olympic Committee matapos ang pagpanaw ng kanilang sprinter na si Abdalelah Haroun sa edad 24.

Hindi na binanggit pa ng kampo nito ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Ang Sudan-born runner ay unang nagrepresenta ng Qatar noong 2015 Asian at Arab Athletic Championships.

Naging world’s junior 400m champion noong 2016.

Sumali rin ito sa Rio Olympics at nagtapos siya sa semifinals habang nagkamit siy ang silver medal noong 2016 IAAFF World Indoor Championshipsa Portland, Oregon.

Sa edad na 20 ay nagwagi ito ng bronze medal sa World Championships sa London noong 2017.

Hawak niya ang national record sa 400 meter na mayroong 44.07 noong 2018.