-- Advertisements --

Pinayuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Qatar ang mga Filipino na namamalagi at nagtatrabaho sa Qatar na magtago sa ligtas na lugar matapos na atakihin ng Iran ang base militar ng US sa naturang bansa.

Inilabas ng embahada ang panawagan kaninang umaga at sinabing magtago ang mga Pilipino hanggat wala pa silang panibagong abiso.

Hinikayat rin nito ang lahat na tumutok sa mga balita para laging updated sa mga advisories ng local authorities at kanilang Embahada.

Iniulat naman ng Embahada ng Pilipinas sa Qatar na walang naiulat na nasawi o sugatan matapos ang pag-atake ng Iran.

Tiniyak rin ng mga awtoridad sa Qatar na handa silang tugunan ang anumang banta sa seguridad ng bansa at mga residente nito.

Mas mainam rin na maging alerto at kalmado sa ganitong panahon.