-- Advertisements --
Aabot sa 4,000 na mga British nationals na nasa Israel ang nagparehistro para sila ay makauwi dahil sa kaguluhan.
Ayon kay UK foreign secretary Priti Patel na inatasan siya ni British Sec. of State David Lammy , mula ng umapela noong nakaraang linggo para lumikas ay mayroong 4,000 ang nagpahayag ng interest.
Bukod sa Israel ay pinag-iingat na rin nila ang mga Briton na nasa Qatar.
Una ng nakapag-evacuate na sila ng 63 British nationals na galing sa Tel Aviv at dinala nila ang mga ito sa Cyprus.
Gamit ng mga British government ang Royal Air Force para sa malawakang pagpapalikas.