Pinasalamatan pa ni US President Donald Trump ang Iran dahil sa pagbibigay abiso bago ang pag-atake sa US base sa Qatar.
Sinabi nito na hinihikayat niya ang Iran na magkaroon na lamang magandang pag-uusap nila sa Israel.
Ganun din ang kaniyang gagawin sa Israel na hikayatin ito para magkaroon ng mapayapang pag-uusap.
Dagdag pa nito na walang anumang Americans ang nasaktan at maging ang mga pasilidad ay hindi gaanong napinsala.
Dahil sa pangyayari ay tila nakabawi na ang Iran at umaasa ito na magkakaroon na ng pangmatagalang kapayapaan.
Kasabay din nito ay pinasalamatan ng US President ang Emir ng Qatar dahil sa pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.
Tinanggal na rin ng US ang shelter advisory sa lugar matapos ang ginawang airstrike ng Iran sa US base sa Qatar.