-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Korte Suprema ang ilang miyembro ng judiciary dahil sa alegasyon ng case fixing.
Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, na sinimulan na nila ang imbestigasyon.
Hindi naman na nito binanggit kung sino-sino ang iniimbestigahan niya.
Nakatakdang ito ng makipagpulong kay Chief Justice Alexander Gesmundo ukol sa nasabing usapin.
Naungkat ang usapin matapos na isang dating judge ang tumulong para maayos ang kaso ng negosyanteng si Atong Ang na pinangalanang mastermind sa pagkawala ng mga sabungero noong 2021 hanggang 2022.