Sinimulan na ng Iran ang pagganti sa ginawang airstrike US sa kanilang nuclear facility.
Pinaulanan ng Iran ng mga short-range at medium range ballistic missiles ang Al Udeid Air Base sa Qatar.
Bago ang pag-atake ay inabisuhan ng Iran ang gobyerno ng Qatar na kanilang aatakihin ang military base ng US.
Layon ng nasabing pag-abiso ay para maiwasan ang malaking pinsala.
Kinondina ng Qatar ang ginawang pag-atake ng Iran kung saan isa umano itong paglabag sa kanilang soberanya at sa kanilang airspace.
Sinabi naman ng isang mataas na opisyal ng US Military na mula pa noong nakaraang linggo ay tinanggal na nila ang mga fighter jets ng US sa Al Udeid Air base sa Qatar bilang bahagi ng pagprotekta ng kanilang asset mula sa tumitinding labanan ng Israel at Iran.