-- Advertisements --
Inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Qatar ang mga Filipino doon na magtago sa ligtas na lugar.
Kasunod ito sa ginawang airstrike ng Iran sa US airbase na nakabase sa Qatar.
Base sa abiso ng embahada, na dapat ay magtungo muna sa ligtas na lugar ang mga Pinoy doon para hindi sila madamay sa insidente.
Marapat din na makinig sila sa mga abiso ng mga lokal na otoridad ganun din ang Embahada.
Una ng sinuspende ng Qatar government ang air traffic dahil sa ipinaalam ng Iran na kanilang papaulanan ng missile ang airbase ng US.