KALIBO, Aklan—Hindi naging sagabal para sa isang blood donor ang kanyang kapansanan na hindi makakita para iparating ang pagnanais nito na makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo sa kanyang pakikibahagi sa Dugong Bombo 2025 na ginanap ngayon sa NVC Gym sa Capitol Site, Brgy. Estancia, Kalibo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Kalibo kay Lowelyn Fegarido, sinabi nito na nais niyang makatulong sa mga nangangailangan sa kabila ng kanyang kapansanan.
Batid umano niya ang pakiramdam ng may pangangailangan kayat tuwing may nagsasagawa ng blood letting activity kagaya ng Dugong Bombo ay sinasamantala niya ang pagkakataon na makatulong.
Bukod dito, naramdaman niya ang magandang epekto nito sa kanyang katawan.
Hinhikayat rin nito ang publiko na ugaliin ang pag-donate ng dugo lalo na tuwing Dugong Bombo ng Bombo Radyo Philippines.
















