Hindi na itutuloy ng Premier Volleyball League ang planong second conference ngayong taon.

Sinabi ni PVL commissioner Tony Liao, nagkasundo ang mga league officials at 11 koponan na kanselahin na ito.

-- Advertisement --

Gaganapin sana ang nasabing second conference sa last quarter ng taon.

Magugunitang naging matagumpay ang isinagawang Open Conference ng PVL mula Hulyo at Agosto sa isang bubble format sa Bacarra, Ilocos Norte.