-- Advertisements --
Nagpamalas ng matinding determinasyon ang Alas Pilipinas laban sa Sichuan ng China sa kanilang paghaharap nitong Lunes.
Tinalo nila ang kalaban sa apat na set, 25-12, 25-22, 19-25, at 25-15.
Matapos ang pagkabigo sa unang laban kontra Vietnam, bumawi ang pambansang koponan ng Pilipinas sa impresibong performance na ito.
Dahil dito, nakuha ng Alas Pilipinas ang kanilang unang panalo sa 2025 VTV International Women’s Volleyball Cup.
Umangat naman ang kanilang kartada sa Pool A sa 1 panalo at 1 talo.
Nagbigay pag-asa ito para sa kanilang pag-abanse sa susunod na round ng torneo.