-- Advertisements --

Tinalo ng Alas Pilipinas ang Myanmar para makuha ang ikalimang puwesto ng 2026 SEA V Cup.

Nakuha ng Pilipinas ang score na 28-26, 25-17, 25-23 sa second leg ng six-nation tournament nitong Sabado sa Jakarta International Velodrome.

Parehas din ang resulta ng Filipino spikers sa Candon leg noong naging host sila ng Cambodia at Indonesia sa pool phase at nagwagi sila sa Myanmar sa classification round.

Sa unang set ay hawak ng Myanmar ang panalo subalit pagpasok ng ikalawang set ay nadomina ng Pilipinas ang laor.

Pagpasok ng ikatlong set ay tumindi ang pagbabantay ng Myanmar hanggang makahanap ng tiyempo ang Pilipinas.

Nanguna sa panalo ng Alas Pilipinas si Lirick Mendoza na nagtala ng 19 attacks, isang block at isang ace habang mayroong 11 points si Louie Ramirez sa 10 atake.