-- Advertisements --

Nabigo ang Alas Pilipinas Women sa Thailand sa nagpapatuloy na SEA V Cup.

Hindi nakaporma ang Pilipinas sa Thailand sa score na 25-17, 19-25, 25-15, 18-25, 15-10 sa laro na ginanap sa Dong Anh Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Ang Thailand ang koponan na hindi pa natatalo ng Pilipinas mula pa noong 1993 Southeast Asian Games.

Sa pagtutulungan nina Bella Belen, Eya Laure at Alyssa Solomon ay nadala nila ang laro sa loob ng limang set.

Subalit lubhang naging matindi ang laro na ipinamalas ng Thailand at tuluyang tinalo ang Pilipinas.

Natalo ang Alas sa 10 laro kontra Thailand mula pa sa unang bahagi ng torneo noong 2019.