-- Advertisements --

Nabigo ang Alas Pilipinas sa Iran sa nagpapatuloy na 2025 AVC Women’s Volleyball National Cup na ginaganap sa Hanoi, Vietnam.

Hindi nakaporma ang Alas Pilipinas sa score na 25-16, 21-25, 26-24, 23-25, 13-15 sa Pool B.

Bigo ang national team na makalayo sa Iranians sa ikaapat na set at nakaranas ng mabigat na pagkatalo sa decider.

Ito ang unang pagkatalo ng national teams sa anim na koponan bracket kasunod ng panalo nila sa Mongolia at Indonesia.

Kapwa nangunguna ngayon ang Iran at Kazakhstan na mayroong tatlong panalo at wala pang talo habang ang Alas na Pilipinas ay mayroong dalawang panalo at isang talo.

Ang dalawang top finishers ay abanse na sa playoffs.

Susunod na laban ng Alas Pilipinas ay kontra sa New Zealand sa araw ng Miyerkules ng alas-4 ng hapon.