-- Advertisements --

Pasok na sa finals ang women’s national volleyball team ng bansa na Alas Pilipinas sa Nations Cup.

Tinalo kasi nila ang Chinese Taipei 25-17, 25-21, 18-25, 15-25, 15-12 sa laro ng ginanap sa Hanoi, Vietnam.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng anim na dekada na makapasok sa finals ang women’s volleyball team ng bansa.

Makakaharap nila sa finals ang host country na Vietnam kung saan tiyak na ang kanilang silver medal sakaling hindi sila magtagumpay ngayon Sabado, Hunyo, 14.

Ang sinumang manalo ay siyang kuwalipikado na maglalaro sa 2026 Asian Championship.