Hinatiran ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng food supplies at non-food items ang mga biktima ng malawakang pag-ulan at pagbaha na dulot ng bagyong Bising at Habagat.
Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, nagpa-abot na ang ehensiya ng humanitarian assistance sa mga biktima sa Ilocos Sur, Nueva Ecija, Quezon, at sa probinsya ng Benguet.
Ang ilan sa mga ito ay inilikas dahil sa ilang serye ng landslide, at pansamantala ngayong nakatira sa evacuation center.
Sa kasalukuyan, mahigit isang libong (P1,000) pamilya ang kumpirmadong apektado ng mga pagbaha. Ito ay binubuo ng mahigit tatlong libo (3,000) katao.
Ayon kay Dumlao, nakikipag-ugnayan pa ang ahensiya sa ibang lokal na pamahalaan na nakapagtala ng mga biktima ng bagyo at pagbaha upang agad matugunan ang kanilang pangangailangan.
Magpapatuloy aniya ang gagawing monitoring dahil sa kasalukyan ay mayroon pa ring mga lugar na nakakaranas ng mga serye ng pag-ulan na nagdudulot ng mga pagbaha sa iba’t-ibang lugar.