-- Advertisements --

Nagtapos sa pang-10 puwesto ang Alas Pilipinas men’s volleyball team sa AVC Men’s Nations Cup 2025.

Ito ay matapos na talunin nila ang New Zealand sa score na 25-16; 23-25; 25-11 at 25-22 sa laro na ginanap sa Manama, Bahrain.

Itinuloy nila ang nasabing laro kahit na may pangamba dahil sa kaguluhan sa Middle East.

Nanguna sa panalo ng koponan si Steven Rotter na mayroong 20 points , dalawang aces at isang block.