-- Advertisements --

Handang-handa na ang womens volleyball team ng bansa na Alas Pilipinas para sa AVC Women’s Nations Cup na ginaganap sa Hanoi, Vietnam.

Unang makakaharap ng Alas Pilipinas ay ang bansang Mongolia at ito ay gaganapin ng alas-4 ng hapon ngayong Hunyo 7.

Pinangungunahan ng Alas Pilipinas ng kanilang team captain na si Jia de Guzman.

Target nilang malampasan ang nakamit na bronze medal noong nakaraang taon na ginanap sa Rizal Memorial Stadium.

Matapos ang laban nila sa Mongolia ay makakaharap naman nila ang Indonesia sa araw ng Linggo ng 1:30 ng hapon.

Babalik ang Alas Pilipinas sa Martes ng 4:30 ng hapon laban sa Iran habang sa Miyerkules ng alas-4 ng hapon ay makakaharap ang New Zealand at sa Huwebes naman ng alas-onse ng umaga ay makakasagupa nila ang Kazakhstan.