-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng konsiyerto ang singer-songwriter na si Bic Runga sa bansa.
Ayon sa promoter na Midas Promotions, isasagawa ang kaniyang konsiyerto sa darating na Oktubre 1 sa Skydome.
Nakilala ang singer sa kanta niyang “Sway” na sumikat noong 1997.
Ang New Zealand singer-songwriter ay naglabas na ng tatlong studio albums kung saan pumatok ito sa iba’t-ibang henerasyon.














