-- Advertisements --

Kinansela na ng promoter ang nakatakdang konsiyerto sa bansa ng Kiwi singer na si Bic Runga.

Sa social media post ng Midas Promotions na hindi matutuloy ang nasabing konsiyerto na nakatakda sanang ganapin sa Oktubre 1 sa Skydome sa Quezo City.

Ayon pa sa promotions na may ilang bagay na hindi maiwasan kaya nagpasya silang kanselahin na lamang ito.

Tiniyak naman nila na kanilang ibabalik ang pera ng mga nakabili ng tickets.

Si Briolette Kah Bic Runga ay unang naglabas ng albumnoong 1997 na may titulong “Drive” kung saan sumikat ang kanta nitong “Sway”.

Noong 2006 ay naging miyembro ito ng New Zealand Order of Merit dahil sa kaniyang musika.

Habang noong Pebrero ay naglabas ito ng album na may pamagat na “Red Sunset”.