-- Advertisements --
Nakatakdang bumalik muli para magsagawa ng concert sa Pilipinas ang American pop-rock band na Maroon 5.
Ayon sa grupo, gaganapin ang konsiyerto nila sa darating na Pebrero 7, 2027 sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.
Pinakamurang halaga ng tickets ay P4,000 habang ang pinakamahal ay nagkakahalaga ng P16,750.
Huling nag-konsiyerto sa bansa ang grupo noong 2025 bilang bahagi ng kanilang Asian Tour.
Nabuo ang banda noong 1994 kung saan ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “She Will Be Loved” ,”Payphone”, “This Love” at maraming iba pa.
















