-- Advertisements --

Inilipat na ng organizer ng Miss Universe Philippines 2026 ang kanilang coronation night.

Mula sa dating Mayo 1 ay ginawa na lamang nila ito sa Mayo 2 na ito ay gaganapin pa rin sa Mall of Asia Arena.

Paliwanag ng organizers na kaya nila inilipat ang petsa mula sa Biyernes at ginawa na lamang itong Sabado para magkaroon pa sila ng sapat na panahon na maghanda at matiyak na maging matagumpay ang pagsasagawa ng programa.

Tiniyak din ng organizers na kanilang tatanggapin ang mga tickets at mananatili pa rin ang seating arrangement para sa nasabing event.

Mayroon ng 50 na mga natitirang contestants matapos ang pag-atras ni Kalibo, Aklan representative Imelda Schweighart.

Isasagawa naman sa Abril 12 ang swimsuit competition habang sa Abril 16 naman ay sa National Costume competition at closed door interviews naman sa darating na Abril 19.