Pinasalamatan ni Russian President Vladimir Putin ang US dahil sa pagpapadala ng 200 ventilators dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa kanilang bansa.

Ginawa nito ang pagpapaabot nang pasasalamat matapos ang pagtawag sa telepono ni US President Donald Trump kay Putin kung saan ito lang daw muna ang maaaring maitulong niya sa Russia.

Inaasahan sa susunod na linggo ay maipapadala na ang nasabing mga ventilators.

Nasa pangalawang puwesto na kasi ang Russia sa buong mundo sa dami ng mga nadapuan ng coronavirus na umaabot na sa 308,705 habang umakyat naman sa 2,972 ang mga nasawi.