-- Advertisements --
Masusing binabantayan ang namataang bagong low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong umaga ng Martes, Hulyo 8.
Huling namataan kaninang alas-8:00 ng umaga ang naturang LPA sa layong 1,935 kilometers ng silangan ng Extreme Northern Luzon.
Ayon sa state weather bureau, mababa ang tiyansa na mabuo ito bilang bagyo.
Samantala, inaasahan naman na patuloy na magdadala ng mga pag-ulan ang habagat sa bansa ngayong araw.