-- Advertisements --

Nakauwi na sa bansa ang mahigit 300 na mga Filipinos na galing sa United Arab Emirates.

Lulan ang mga ito ng ikatlong chartered flight na kinuha ng gobyerno ng Pilipinas.

Sa kabuuang 317 na mga dito ay mga overseas Filipino workers (OFW) na may 114 dependents at 50 stranded na Filipino na pasahero.

Lumapag sa Villamor Air Base sa Pasay City ang eroplanong sinakyan ng mga ito sa nitong hapon ng Huwebes,Marso 19.

Pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration head PY Caunan ang pagsalubong sa mga dumating na mga Pilipino.

Hindi naman nakadalo si Pangulong Ferdinand Marcos para salubungin ang mga OFW dahil sa nasa pagpupulong ito ng Economy and Development Council noong lumapag na ang eroplano.

Sinabi naman ni Palace Press Officer Claire Castro na mismo ang pangulo ang nagpasya na sa Villamor Airbase lumapag ang eroplano para maging mabilis ang immigration processing at walang aberya ang mga kaanak nila na susundo.