-- Advertisements --

Nakipagkasundo na ang Hollywood actor na si Kevin Spacey sa tatlong lalaki na nagsampa ng kaso sa kaniya ng civil sexual assault case sa London noong 2023.

Tumanggi na ito ng dumalo sa pagdinig dahil sa pakaikipag-areglo na.

Una ng itinanggi ng Oscar award winning actor ang nasabing alegasyon.

Taong 2023 ng ibinasura ng korte sa London ang siyam na sexual assault case.

Noong 2020 din ay ibinasura ng korte ang civil case na isinampa ng dating child actor na si Anthony Rapp.

Magugunitang noong nakaraang taon ay ibinunyag ng aktor na siya ay homeless at naninirahan sa mga hotels at ilang mga Airbnb dahil sa mataas na binabayaran sa mga kaso.

Inilagay niya ang lahat ng mga gamit sa isang storage at umaasa itong makabalik sa normal kapag bumalik sa normal ang sitwasyon.