Kinumpirma ng Philippine Navy (PN) ang “posibleng paglipat” ng mga Abukuma-class destroyer escorts mula sa Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF).
Ayon kay Navy spokesperson Capt. John Percie Alcos,ang Philippine Navy ay nagsasagawa ng mga paghahanda para sa Joint Visual Inspection (JVI) ng mga barko, kasunod ng opisyal na paanyaya mula sa Ministry of Defense ng Japan.
Ang Abukuma-class destroyer escorts ay may displacement na 2,000 gross tons, haba na 109 metro, at lapad (beam) na 44 metro.
Ito ay may bilis na 27 knots at armado ng iba’t ibang anti-ship missiles, anti-submarine rockets, at mga torpedo, pati na rin ng isang 76mm na main gun at 20mm na closed-in weapon system para sa depensa laban sa mga papalapit na banta.
Ang inisyatibong ito aniya ay sumasalamin sa lumalalim na strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Japan, at pinagtitibay ang kanilang magkatuwang na paninindigan para sa seguridad sa karagatan, interoperability, at kapayapaan at katatagan sa rehiyon.