-- Advertisements --

Patungo na sa Pilipinas ang pinaka-unang modelo ng Rajah Sulayman-class offshore patrol vessel na binili ng pamahalaan para sa Philippine Navy.

Tatawagin ang bago ang isa sa pinakamodernong barko ng bansa bilang BRP Rajah Sulayman (PS-20).

Maglalayag ito ng ilang araw mula sa shipyard ng HD Hyundai Heavy Industries sa Ulsan, South Korea, patungo sa Naval Operating Base Subic.

Pagdating sa Pilipinas, inaashaang magbibigay ang Phil. Navy ng formal na Welcome Ceremony sa bagong barko at mga crew nito.

Pagdating sa bansa, sasailalim muna sa ilang serye ng testing at local fittting bago tuluyang i-komisyon para magsilbi sa ilalim ng Philippine Navy.

Hunyo 2022 nang pumirma ang Department of National Defense at South Korean shipbuilder Hyundai Heavy Industries (HHI) ng kontrata para bumili ng mga naturang uri ng barkong pandigma.

Anim na Rajah Sulayman-class OPV ang saklaw ng naturang kontrata, at ito ang unang modelo na inaasahang mako-komisyon.