Maaring sa buwan pa ng Pebrero mailalabas ng Department of Health (DOH) ang mga guidelines sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program.
Sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa na layon nito ay para hindi na hihingi pa ng sulat ang mga pasyente mula sa mga pulitiko sa tuwing sila ay magpapagamot sa mga ospital na pinapatakbo ng gobyerno.
Ang nasabing programa kasi ay nabigyan ngayong taon ng P51-bilyon na budget.
Hiniling kasi ng DOH na mapataas ang pondo ng programa para maipatupad ang zero-balance billing policy sa mga pagamutan na nasa ilalim ng kontrol ng mga lokal na gobyerno.
Magugunitang naging kontrobersyal ang MAIFIP sa deliberasyon ng 2026 national budget dahil sa hindi ito tumutugma sa layunin ng Universal Health Care Act.















