-- Advertisements --

Inilatag ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Antonio Nafarrete ang Command Guidance para sa 2026 sa idinaos na New Year’s Call ng Hukbong Katihan noong Enero 9, 2026 sa Headquarters Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Binigyang-diin ni Nafarrete patuloy ang pagbabagong-anyo ng Army bilang kolektibong pananagutan, at ang pagpapalakas nito bilang makabago, kapani-paniwala at mapagkakatiwalaang puwersa, na ginagabayan ng mabuting pamamahala, transparency at pananagutan.

“As we move forward and as the operational environment within and outside our borders become increasingly volatile, we will continue strengthening the Philippine Army as a modern, credible, and trusted force – guided by good governance, transparency, and accountability,” mensahe ni Lt.Gen. Nafarete.

Dinaluhan ang okasyon ng mga matataas na opisyal ng Army at mga panauhing pandangal, bilang bahagi ng taunang tradisyong naglalayong suriin ang mga tagumpay at patatagin ang dedikasyon sa paglilingkod sa bayan.