-- Advertisements --

Kinumpirma ni Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala na walang malaking preparasyon na inihhanda sa ngayon ang hanay ng militar para sa nalalapit na anibersasyo ng New People’s Army (NPA) sa Biyernes, Disyembre 26.

Sa naging pakikipagugnayan ng Bombo Radyo Philippines kay Dema-ala, inihayag nito na bagamat walang malakihang preparasyon sa ngayon ang kasundaluhan ay nananatili pa ring nakabantay ang kanilang hanay para sa buong panahon na ito ng Pasko.

Aniya, hindi nila ibababa ang kanilang seguridad at patuloy na magpapatupad ng security operations upang bantayan ang mga aksyon ng mga nalalabing miyembro ng teroristang grupo na ito.

Dagdag pa ni Dema-ala, wala namang dapat na ikabahala ang publiko dahil ang puwersa ng NPA ay hindi na ringaano karami kumpara sa mga nagdaang taon.

Samantala, hinikayat naman ng tagapagsalita ang mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko na, ibaba na ang kanilang mga armas at muling makiisa sa pamahalaan para sa isulong ang kapayapaan.

Aniya, nagpapatuloy ang kanilang mga reintegration efforts para sa mga nagnanais at nagpapahiwatig ng pagsuko mula sa kanilang grupo.