Tiwala si Finance Secretary Frederick Go na muling makakabawi ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon.
Dagdag pa nito na maaaring makamit ng Pilipinas ang gross domestic product ng mas mababa sa revised target ng gobyerno na 5 hanggagn anim na porsyento.
Paliwanag nito na ang economic growth ng bansa noong 2025 ay naapektuhan ng problema sa bansa gaya ng bagyo, lindol at malawakang kilos protesta dahil sa anomalya sa flood control projects.
Isa sa mga nakikita nitong makakatulong para makabangon ang ekonomiya ay ang pagresolba sa flood control scandal at pagbabalik sa ninakaw na pera mula sa gobyerno.
Gumagastos ang bansa ng tama ngayon taon kung saan inaasahan na sa unang quarter ay nakatakdang gumastos ang gobyerno ng P1.4 trillion para makabangon ang ekonomiya.
















