-- Advertisements --

Kusang isinumite ni Philippine Army Col. Audie Mongao ang kaniyang sarili pabalik sa military control, ayon sa kaniyang commander.

Matatandaang tinanggal sa pwesto si Mongao matapos bawiin umano ang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan sinabi niyang nawalan na umano ng “moral ascendancy” ang Pangulo para maging isang commander-in-chief.

Ayon kay Army Training Command director Maj. Gen. Michael Logico, matagal ang kanilang naging pag-uusap ni Mongao at nagpahayag umano siya ng buong kooperasyon sa kanilang imbestigasyon.

Hindi naman idinetalye pa ni Logico ang hinggil sa umano’y voluntary submission ni Col. Mongao.

Una ng sinabi ni Army spokesperson Col. Louie Dema-ala na tinitignan pa ng militar ang posibilidad ng pagsasampa ng administrative at legal charges.

Nanindigan naman ang Malacañang na binigyan ng due process o patas na proseso ang kaso ni Col. Mongao.