Reading Time: 1 minute
VLADIMIR PUTIN
Vladimir Putin

Inatasan ni Russian President Vladimir Putin ang mga sundalo na tumulong para tuluyang maapula ang malawakaang wildfires sa Siberia.

Isinagawa nito ang kautusan matapos na ito ay pulungin ng emergencies ministry ng bansa.

Umaabot na kasi sa mahigit tatlong ektarya ng lupain ang nasunog.

Pumirma naman ang may 700,000 residente na nanawagan ng matinding hakbang para ideklara ang emergency.

Gumamit na ng 10 helicopters at eroplano ang gobyerno para tuluyang maapula ang nasabing malaking sunog.