-- Advertisements --
Mayroong panibagong panawagan si US President Donald Trump kay Russian President Vladimir Putin na tumugon sa panawagan nilang tigil putukan sa Ukraine.
Sa kaniyang pakikipagpulong kay North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary General Mark Rutte sa White House, sinabi ng US President na mayroong 50 araw si Putin na sumang-ayon na sa ceasefire.
Sakaling mabigo ito na hindi tumugon ay magpapataw ito ng hanggang 100 percent na taripa at secondary tariffs.
Nangangahulugan ito na ang secondary tarfiffs ay 100 percent sa Russia at pangalawang sanctions sa ilang bansa na bumibili ng langis ng Russia.