-- Advertisements --

Nasisiguro ng mga grupo ng lisensiyadong gambling operators sa bansa na sila ay sumusunod sa anumang batas na ipinpatupad ng gobyerno.

Ayon sa grupo na pawang mga malalaking casino operators sa bansa na kanilang online gambling operations ay mahigpit na nababantayan.

Aktibo aniya silang nagsusulong ng responsableng paglalaro sa pamamagitan ng paggamit ng self-exclusion, deposit limits at account restrictions.

Mahigpit silang sumusunod sa panuntunan na ipinapatupad ng Philippine Amusement Gaming Corporation o PAGCOR kung ang pag-uusapan sa ay licensing at accreditatio, anti-money laundering regulations, marketing at advertising policies, data privacy, self-regulation, content review process at iba pa.

Una sinabi ng The Licensed Online Gaming Operators in the Philippines na hindi sila sang-ayon sa total ban ng online gambling at sa halip ay higpitan na lamang ang paglalaro.

Magugunitang isinusulong ng ilang mga mambabatas ang tuluyan ng pagbabawal ng online gambling dahil sa daming mga nalulong dito.