-- Advertisements --

Mas dinoble ngayon ng mga bansang Egypt at Qatar ang kanilang hakbang para tuluyan ng matigil ang pag-atake ng Israel sa Gaza.

Ang nasabing dalawang bansa ay pangunahing mediator sa pagitan ng Israel at Hamas.

Nagsagawa na sila ng pagpupulong sa ilang kinatawan ng Israel at Hamas na ginanap sa Qatar.

Una ng sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu , na handa itong tumugon sa 60 araw na ceasefire hanggang makamit ang pagtigil ng kaguluhan sa Gaza.

Gagawin aniya lamang ito ni Netanyahu kapag magkaroon ng dedikasyon ang Hamas na ibaba ang kanilang armas.