Muling nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na sa mga kaalyadong bansa na tulungan silang palakasin ang kanilang air-defense.
Sa kaniyang pagdalo sa Rome Conference, ay nagkaroon ng tsansa ang Ukrainian President na makaharap ang ilang mga lider.
Kasama na rin ang pagkakaroon ng niya ng video call sa nasa halos 30 na bansa na tinawag niiyang “Coalition of the Willing”.
Iginiit ni Zelenskyy na mahalaga ang maibibigay na tulong ng mga bansa lalo na at hindi tumitigil ang Russia sa mga air strike nito sa mahigit na tatlong taon na giyera.
Humiling din nito sa European Union na dapat ay ipatupad agad ang sanctions laban sa Russia.
Nangako naman ang United Kingdom na magsusuplay sila ng mahigit 5,000 na air defense missiles sa Ukraine at mahigit na $384 milyon na tulong na gamot at pagkain.
Ito na ang pang-apat na pulong kung saan ngayon ay naging host si Italian Prime Minister Giorgia Meloni.