-- Advertisements --
Pinayagan na ng Department of Agriculture ang Sugar Regulatory Administration Board (SRA) na mag-angkat ng 424,000 metric tons ng asukal.
Ayon sa DA na ang importasyon ay para matiyak ang steady supply ng asukal sa bansa at maiwasan ang anumang biglaang pagtaas ng presyo.
Sinabi naman ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na ang hakbang ay para matiyak na hindi gagalaw ang presyo hanggang sa susunod na anihan.
Naging apektado ng pest infestation ang sugarcane plantation sa bansa kaya humina ang domestic production ng asukal.